paalam
musika:piano:emosyon
aminado ako sa sarili ko na may talento talaga ako sa pagtugtog ng piano. hindi man ako maihahanay sa mga pinakamagagaling na pianista sa mundo alam ko sa sarili ko na may binatbat naman din ako.
simula nang nainlove ako sa piano, hindi ko na mapigilan ang pagtugtog, minsan nga masmahaba pa ang oras ng pagtugtog ko kaysa sa pagaaral ko. yung tipong pagkadating galing sa school hindi pa man ako nakakapagbihis uupo na kaagad ako sa piano at tutugtog ng kung ano mang piyesa na gusto kong tutugtugin. tapos titigil lang ako sa pagtugtog kapag narealize ko na sobrang tagal ko na palang tumutugtog...
wala lang...ang sarap talaga kasi magpiano..dun ko kasi nalalabas lahat ng emosyon ko. mga emosyon na hindi nararapat sabihin sa mga tao. mga kalungkutan at kasiyahan na tanging ang sarili ko lang ang nakakaintindi at higit sa lahat, sa pagtutog ng piano dun ko nailalabas lahat ng pagibig na hindi ko nagawa o magawang ipakita sa mga taong mahal ko.
alam ko corny pero hayaan nyo na akong sabihin toh:
tuwing tumutugtog ako ng piano, hinihigit ko sa kaloob looban ng puso ko ang bawat emosyon. bawat pagtikla ng kamay ko, bawat galaw ng ulo at katawan ko, bawat pagtaas at pagbaba ng paa ko sa pedal at bawat musika na aking nagagawa ay lahat nagmumula sa mga emosyon, sa mga emosyong pagibig, sa mga emosyong puno ng kasiyahan at kalungkutan, mga emosyon na puno ng pait at sakit na dulot ng nakaraan.
pero nakakalungkot isipin, nung nagcollege ako sa kadahilanang nagdorm ako hindi na ako masyado tumutugtog dahil minsan nlang ako nakakauwi sa bahay namin pero ang nakakatuwa kasi noon tuwing umuuwi ako at tumutugtog, naroon pa rin ang emosyon...alam ko pa rin hugutin sa kaloob looban ng aking puso ang mga emosyon na dapat ilabas...
pero kanina...habang tumutugtog ako...parang "empty" ang tugtog ko. as in walang emosyon. parang wala lang. tipikal na tunog ng piano lang ang nagagawa ko. wlang distinction, walang something na makakapagpatayo ng balahibo ko o kahit balahibo ng ibang taong makakarining. .
nakakatawa nga isipin kasi sabi ko baka kailangan kong alalahanin ang mga nakaraan kong kasawian sa lahat ng aspeto ng buhay syempre lalong lalo na sa aspeto ng pagibig..pero ang nakakapagtaka kasi kahit anong pilit kong alalahanin tila wala na talaga akong nararamdaman.
hindi ko alam kung sadyang nakalimot na ako at sadyang wala na talagang mabibigat na emosyon na natira sakin o sadyang manhid na ako, sadyang manhid na siguro ang puso ko sabawat sakit at pagdurusa na hinahatid ng nakaraan.
hindi ko alam kung magadang balita ito. hindi ko rin alam kung may magandang maidudulot ito sa buhay ko... meron man o wala, bahala na. basta manhid na nga talaga siguro ako.
*************
hindi ko alam kung mahal pa kita, kasi sa totoo lang wala na akong maramdaman. wala na akong maramdamang pagmamahal pero wala na rin akong maramdamang hinanakit.. pero kung sakaling mahal pa nga kita wala nanaman ding mangyayari.. siguro tama ngang tigilan ko na ang bawat pagiisip saating nakaraan. siguro tama ngang huwag ko ng alamin ang mga rason kung bakit nasira ang ating samahan. siguro tamang isipin ko nalang na sadyang ganon talaga ang buhay. na sadyang sandaling panahon lang talaga ang itinadhana ng diyos para saating pagmamahalan..muli, salamat ng marami...
.paalam.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home