i survive
hell week: finally over
bREath IN and bReath OUT.
huuuu sawakas hell week is over!
its friday at narito ako ngayon sa aming bahay. sawakas, tapos na rin ang hell week. tapos na ang departmental exam at tapos na rin ang comm 2 research paper first draft...
sobrang toxic ng buhay ko this pass few weeks. imagine, kung saan saang lupalop ako napunta at kung sino sinong manager at director ng kung ano anong call center ang nakausap ko. grabe hindi ko talaga akalaing nagawa ko lahat iyon within 1 week
tapos idagdag mo pa yung stress kasi math 17 dep exam na...at take note magkasunod na araw yung dep exam at yung passing ng first draft. kainis nga eh namemeasure tuloy kung alin ba ang masimportante...hayy...pero grabe sobrang proud ako sa sarili ko kasi naaccomplish ko siya both.. hayyyy hindi ganon ka ganda ang first draft ko pero at least natapos ko siya at higit sa lahat at least PASADO AKO NG MATH 17 3RD DEPARTMENTAL EXAM!
hahahha forgive me kung masyado akong mayabang pero sobrang saya ko lang talaga.. kasi since monday this week i was really worried na gawa nga nang may comm research paper pa ako na kailangang i-search sa kung saang saang lugar kaya ayun hindi ako masyado nakapagaral sa math pero thankfully nakapasa ako (thank you Lord).
hayyy pero syempre alam ko naman na half a day (saturday morning) lang ang rest ko, after nun balik nanaman ako sa pagaaral. i know it sounds boring pero ganon talaga ang life hayyy i believe kasi na balang araw every sacrifice and hardships that i will encounter now will pay off in the future... (naks ang deep!)
pero sige titigilan ko muna ang mga conversations tungkol sa aral at magkukuwento naman ako something about driving force and stack knowledge.
driving force: seriously speaking alam nyo ba kung ano ang driving force? hehehe hindi iyon sex hahaha pero puwede din siyang maging sex pero i'm not referring to sex or sa kahit na anong green na maiisip nyo.
driving force- ano nga ba ito?...hay sige ganito nalang...what is your driving force to do certain things.. like what is your driving force to study? or driving force to live? or in other words.
what is your motivation? what keeps you alive? what keeps you from living this imperfect and bitter world? ..
kung ang answer mo ay love.. eto ang masasabi ko sayo... YUCK!
joke lang : )
pero seriously..kung ako ang tatanungin kung ano ang driving force ko medyo kumplikado ang isasagot ko.
hay simple lang pala ang sagot ko. duwag ako, duwag ako tuwing naiisip ko na ang ideyang pagbagsak o FAILURE. ewan ko ba pero i think that what makes me go on, the mere fact or idea of failure makes me live and makes me study and do good. ewan ko ba pero takot talaga akong bumagsak. nabubuhay ako at patuloy kong hinaharap ang kahirapan ng buhay dahil ayaw kong maging talunan, ayaw kong maging failure hindi lang sa mata ng mga tao at pamilya ko kundi pati sa sarili kong paningin. ayaw kong dumating sa buhay ko na marerealize ko na failure pala ako, kasi kung dadating yun baka sakaling mag suicide na talaga ko.
hay kaya siguro inaadvice ko kanina kay jow na magpabagsak siya kung gusto nya ng driving force. ang weird ko talaga pero kasi yun talaga ang isang bagay na iniiwasan ko. yun yung isang bagay na tuwing naiisip ko bigla nalang akong magsisipag. yun yung isang bagay na tuwing maiisip ko bigla nalang akong matatakot at magiisip ng kailangan pang gawin sa school kasi nga ayaw ko talagang maging failure. alam ko failure cannot be measure through educational attainment pero para sakin it can be measure by that. hayyy basta ang weird ko pero eto lang talaga ako eh, ayaw ko lang talaga ng failure.
stack knowledge. simple lang po ang gusto kong sabihin about this:
if i ever i will have kids in the future i wont let them believe about the power of stack knowledge because by teaching them that i am already teaching them of how to be a lazy person.
yun lang po *bow.
at eto pa pala:
belated happy valentines day to all.
hindi ako bitter. promise!

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home