damage
dormitoryo. namulat ako at ang tanging nakita ay ang sahig ng aking kwarto. walang tao at tanging ako; si sarah. ang tanging naroon sa kwarto. nagmistulang selda ang aking kwarto. hindi ko maipaliwanag pero naiinis talga ko pag magisa lang ako sa kwartong iyon. naiinis ako sa idea na walang tao sa paligid ko. naiinis ako sa idea na alam kong puwede kong gawin lahat ng bagay na gusto ko kahit mali pa kasi alam ko na walang tao sa paligid ko. naiinis akong malaman na walang tao saaking paligid upang tingnan ako o kaya batukan ako at sabihing "putang ina mo sarah ano bang kagaguhan yang ginagawa mo!"
naiinis ako sa tuwing marerealize ko na isa lang pala akong mabuting tao sa tuwing may mga ibang matang nakapaligid sakin.
kung ano ang mga kahayupan, kagaguhan at kabaliwan na ginawa, inisip at binalak gawin.
pero ang masasabi ko nagkamali nanaman ako.nagkasala nanaman si sarah. nagkaroon nanaman ako ng isang pagkakamali na sinabi ko na ng maraming beses sa sarili ko na hindi ko na ulit gagawin. pero mahina ako at higit sa lahat nababaliw na ata ako.
nung una akala ko okay na ko. akala ko hindi na muling magbabalik ang mga memorya ng nakaraan. akala ko tapos na ang kanyang paghihiganti. akala ko tapos na ang paghihiganti ng pagkakamaling nagawa ko saaking nakaraan.
pero mali ako.
hanggang kailan ba ako magdudusa?..hanggang kailan ko ba dapat ranasin ang mga bagay na ito. hanggang kailan ba matatapos ang pagdurusa ni sarah na kung iisipin ay nagsimula lamang nung nagmahal sha. nung nagmahal sha at nung binigay nya ang lahat para sa lintik na pagmamahal.
ngayon pupunta ako sa starbucks kung saan maraming tao. dun ako magaaral at dun ko gagawin ang mga bagay na hindi ko magawa sa loob ng aking selda..sa selda kung saan ang tanging kasama at kalaban ko ay ang aking sarili.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home