eto na talaga toh

Monday, January 01, 2007

new year


new year. isang baliktanaw


new year. 2007 na. bagong taon nanaman.. hayyy ang tanda ko na.

isang pagbabaliktanaw sa 2006.

2006, grabe ang daming pangyayari. naggraduate ako ng high school...hay kailan lang parang naalala ko pa ang first day of high school ko. naalala ko pa ung feeling ng walang friends kasi transferee lang ako.. naalala ko pa ung mga una kong ngiti at una kong pagpapakilala sa mga tao. hay high school...grabe mamimiss kita...

tapos hindi pa man din napapawi ang mga alaala ng high school sabay dating naman ng college.. wow UST.

UST??? mali.. UP pala.. hehehe kasi part ng 2006 ng minsan nagulumihanan ako kung UP ba or UST ang pipiliin ko..pero wala akong nagawa. tadhana ang pumili para sakin. kaya eto UP ang bagsak ko...

grabe talaga ilang months palang ang nakalipas at eto na college na kaagad ako. grabe patuloy ang pagevolve ko... basta ang naalala ko...hindi ko maexplain ang kaba at takot na dinulot ng first day of class ko sa UP...kakaiba.. its like a new world for me....

ayun na nga new world, new people, new society, new faces and new friends. ang daming bago at ang daming nagbago hindi lang sa paligid ko pati sa sarili ko. ngayon nga eh i'm struggling to know kung sino nga ba talaga si sarah..kasi ngayong 2006 ang daming nangyari sakin at ang dami kong ginawa na nagpasurpresa sa sarili ko at sa paligid ko. maraming bagay akong nagawa na minsan hindi ko aakalaing gagawin ko. maraming bagay ang naganap na sobrang bilis.
grabe talaga.


basta ang masasabi ko lang, 2006 punong puno ng pagbabago. kaya ngayong 2007 sana maging maayos na. sana masagot ko na ang mga tanong na idinulot ng 2006 sana mapawi at mahilum na ang mga mapupuot na karanasan na idinulot ni 06... hay 2007 sana maging taon na eto ng kaayusan sa buhay ko...


hay basta, sa mga taong nakilala at nawala sa buhay ko nung 2006, maraming salamat. sana ngayong 2007 maging masaya ma tayo...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home