drama ever
hay..isang post nanaman....napapansin ko nadadalas na ang aking pagpost ng mga blog entry hindi lamang dito sa blogspot pati saaking multiply. nakakatuwa, hindi ko alam kung dala ba ito ng labis na boredom o labis na kalungkutan.
1:14 na ng umaga, nakakatuwa at nakakatawa kung aking iisipin..hanggang ngayon naghihintay pa rin ako na tumunog ang aking cellphone. naghihintay na baka sakaling magbago ang kanyang isip at maisipan na itxt ako. nakakatuwa pero napaka indenial ko. bakit ba labis na mahirap tanggapin ang katotohanan? nakakainis...gusto ko ng tanggapin ang lahat. oo wala na kami. hindi na kami magkaibigan. hindi nya na ko mahal at hindi nya ako minahal.. yung ex nya..yun talaga ang mahal nya at masakit mang sabihin pero oo nagkakamabutihan na silang dalawa ulit. hindi ako bulag at mas lalong hindi ako manhid..nakikita ng dalawa kong mata ang lahat ng nangyayari..nakikita ko ang tininginan nila sa isat isa. nakikita ko ang ngiti nila sa labi at higit sa lahat nakikita ko ang kulubot ng kanilang mga noo sa tuwing akoy dumadaan. masakit mang sabihin..nagmahal ka, nagbigay ng oras at panahon..pero nasaktan ka parin. at ang masakit sa lahat ikaw na nga ang nasaktan ikaw pa ang labas na kontrabida.
sige sa oras na ito magpapakatotoo ako. magpapakatao ako at ilalabas ko ang nasasabing kahayupan saaking sarili. oo hanggang ngayon masakit pa rin. masakit mang aminin pero naroon pa rin ako sa madilim na lugar. nandoon pa rin ako sa sulok ng kwarto at umiiyak. oo inaamin ko gabi gabi pa rin akong umiiyak. gabi gabi, minuminuto at oras oras ko pa ring tinatanong ang aking sarili kung saan ba ako nag kamali. kung saang parte ba ng pagmamahal ako nagkulang kung saang parte ba ng aming relasyon na akoy naging pabaya at tanga. pero kahit anong pagiisip ko tila walng tamang sagot ako na natatagpuan kasi kahit makahanap ako ng sagot lagi parin babalik sa tanong na "masama bang magmahal?" ...nagmahal lang naman ako eh.. masama ba yun?? masama rin ba na maghanap ako ng pagmamahal mula saknya? saang parte ng pagmamahal ang masama??? nakakatawa pero nakikita ko ang aking sarili. mukha akong tanga. hindi mali. tanga ako. nagpapakatanga ako sa isang lalaking walang kuwenta. sa isang lalaking walang magandang maidudulot sakin. sa isang lalaking.....sa isang lalaking mahal ko. hayy.. pagibig....bakit kailangan pa ba ng pagibig??? sbi ng mga kaibigan ko...kung wala kang pakiramdam edi mukha kang robot na walng kuwenta....hay....pero kung tatanungin ako..base sa mga naramdaman at nararamdaman ko ngayon...masgusto ko ng maging robot kaysa sa maramdaman ang puchang hinanakit na toh. alam ko siguro pinagtatawanan nyo ko ngayon pero wala akong pakialam dahil sa puntong ito masakit ang lahat sakin. masakit ang lahat para sakin. masakit ang parte na iniwan nya ko. masakit ang parte na wala akong alam kung bakit nagkaganito ang relasyon namin at higit sa lahat masakit ng sobra para saakin na hindi alam kung talaga bang minahal nya ko.
--punong puno ako ng galit at hinanakit pero sakabila ng lahat masasabi ko pa rin na. mahal na mahal ko pa rin sha. kung mababasa man nya toh alam ko ang magiging reaction nya
"ang drama mu" o kaya "wag mo na kong isipin" pero pucha wala kang karapatan na sabihan ako ng ganoN! hindi mo alam kung gano kasakit at kahirap toh. gusto kong maging bato at manhid. gusto ko ng maging malaya. gusto ko ng makawala sa lahat ng sakit na dinulot mo...tulungan mo naman ako...kahit yun nalang...kahit yun nalang.....
paalala: mundo ko toh...

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home