*note: para sa mabilis mangdiri at para sa mga mahihina ang sikmura.. pls, skip this blog entry :D
for dis sem's class, every 8 - 12 am of mondays and thursday; the 3rd years of BS Public Health of UP manila which of course includes me have our parasitology class and kaninang umaga, lo and behold, we examined our own stools hahaha oo, our own jebs! ahahaha but today's para class, for me has more meaning compare to my previous classes and simply because i was blown away by our lecturer Dr. Belizario.. but before i tell you my story, i-kwento ko muna sainyo ang aking jebs examination hahaha known as fecalysis
hahahaha, it was really funny, at first, ayaw ko ng para, naiinis ako dahil natatakot ako sa mga prof at higit sa lahat medyo merong memorization ng taxonomy eh ayaw ko pa naman ng taxonomy, tapos medyo strict ang bungad ng mga teachers namin kaya xempre, ako naman ay takot na takot hahahah but as the days go by, after namin mahalin ang mga protozoans well medyo nainlove na rin ako sa para.. hahahah
tapos na kami magaral ng mga protozoans, ngayon nasa mga nematodes na kami yes.. sino bang hindi nakakakilala sa Ascaris lumbricoides na feeling ko lahat tayo nung panahon ng ating kabataan ay pinainom ng pampurga para sa parasitikong ito hahahaha, anywho, last friday, sabi ng instructor namin:
"next week, prepare yourself dahil si Dr. Belizario (which happnds to be the author of the book na ginagamit namin at well known parasitologist lalo na sa field ng filarial worms) ang magtuturo sainyo, at higit sa lahat, dalhin nyo ang sarili nyong stool samples dahil titingnan natin kung infected ba kayo ng mga parasites hahahaha"
lahat kami sa class ay nag "eeewww, NO!!!" hahahhaah it was really funny kasi yung mga reaksyon namin parang hindi kami mga future Public health practitioners hahahah
saturday and sunday came, masyado akong nastress sa kakaisip kung paano ba ako kukuha ng sample ko hahaha by sunday afternoon, nagrequest ako sa sister ko na kung pwede bilhan nya ako ng stool container after ng work nya.. pagdating nya sa bahay ng 11 pm, syempre, walang dala ang ate ko, out of stock na daw sa mga mercury drug store na pinuntahan nya at ako naman ay nag throw ng tantrums hahahah sa inis ng ate ko sa pagmumukha ko, ewan ko ba kung paano nya nagawa yun pero nakapagproduce siya ng urine container which binato nya sa mukha ko hahah medyo masakit pa nga eh! hmmp pero sige thank you na riN!
*wink wink* hahahaha
monday 5 am in the morning.. siyem! hindi ko alam gagawin ko! i have to be fast kasi naman nasa laguna pa ako at halleur! monday kaya! for sure traffict!! buti nalang mabait tatay ko at pinabayaan nya akong magcontemplate sa banyo hahhaha i felt like i was a dog hahahah i spread a news paper inside our bathroom siyempre! and there. hahahaha ewan ko ba, effort talga ang ginawa kung yun hahahah super iniisip ko:
pls, pls, lumabas ka! ayaw kong bumagsak! for the love of
PH!!!
and thankfully, yes, nakuha ko ang aking hinahangad, i got only a small sample, about a size of a thumb which is of course the proper way... hindi yung buong thumb huh! yung half a thumb lang yung sabi nila is equivalent to 1-inch ahhaha anywho masayang masaya na akong nagtravel pabalik ng manila along with my. :D j*bs :D
by 8:00 am nagstart na ang lecture namin kay Dr. Belizario, pero mamaya ko na ikukuwento yuN! :D after ng lecture, we proceed sa laboratory and of course we did our stool exam.
hmm. lahat kami naka mask which is first time sa para lab namin kasi before, kahit nageexamine kami ng stool, formalinize naman na yung mga yun kaya hindi na nangangamoy but today was really different hahaha everybody have their own containers at lahat ay tense na tense hahahaha
oo mabaho, pero siyempre hindi naman namin sabay sabay binuksan yun noh! we did it by groups.. one group at a time :D tapos siyempre bukas lahat ng window..buti nalang panahon pa ng americans nung ginawa yung building na yun kaya ang mga bintana ay uuubbbber laki kaya ayun, maganda ang ventilation ;D
wala naman naginarte pero siyempre may iba pa rin na nangdiri, nasuka, naduwal etc etc which sinabihan lang ng instructors namin na
"sana hindi ka nalang nag public health"
but siyempre, first time lang naman kaya understandable :D
results?? hahahah clean!!! no protozoans and no nematodes!!! hahahah madaming fiber dahil sa gulay na kinain ko hahahahahaha
one of our classmates is infected by trichuris heheheh which is masayang masaya pang naibroadcast nang aming teacher sa buong class hahahaha
_end_
we may not have the MDs on the end of our names, but we are doctors. Our goal is to prevent but most of the time we heal as well. We our doctors not for mere individulas but for an entire community and most of the time for an entire country as well.
matagal na panahon ko ng sinasabi sa blog ko na i want to be a doctor. 100x na ata, to the point na nagsasawa na siguro ang mga tao sa kakarinig nun. pero anong magagawa ko, eh gusto ko talga :D pero hindi naman talga yung pagiging doctor mismo ang gusto ko.. hindi yung white coat, hindi yung pangalan sa unahan na Dr. or yung pangalan sa huli na M.D. ang habol ko.. i want to heal, i want to serve God through healing, i want to heal the sick and the poor and touch their lives through it.
Kaninang umaga, Dr. Belizario, like I said, a well known parasitologist was our lecturer. Well ang lecture nya is about filarial worm.. halos nalibot na nya ata ang buong Pilipinas para lang mapainom ng albendazole at DEC ang mga tao na nasa endemic areas sa Pilipinas.. his lecture was full of stories.. stories na hindi nya lang narinig but stories of his experiences sa field... nakakalungkot mang sabihin pero sa mga ikinuwento nya saamin, marerealize mo kung gaano kakawawa ang bansa natin, kung gaano katalamak ang ignorance not only sa mga taong nasa probinsya na hindi nakapagaral pati din mismo yung ibang health workers na iisipin mong magagaling at pagkakatiwalaan ng mga tao ng kanilang kalusugan ay kulang din sa kaalaman (e.g. may mga stories si sir kung saan ang mga laboratory diagnosticians ay hindi ginagawa ang proper staining at smearing ng blood bec hindi nila alam na mali pala yung way na ginagawa nila!)
nakakalungkot talga.. sa mga storya nya at sa mga graphs, studies na ipinakita nya.. nakakaawa tayong mga Pilipino at lalong lalo na ang mga mahihirap na Pilipino. Ewan ko ba, napaka simple lang naman ng lecture ni sir pero dahil ibinahagi nya ang mga nalalaman nya at ang mga nakita nya saknyang field work, naisip ko tuloy na parang ayaw ko ng magdoctor, parang gusto ko nalang ituloy ang pagiging Public health worker ko.. gusto kong magtravel sa Pilipinas at painumin din ng mga DEC, albendozole at metronidazole at pati na din ciproflaxacin ang mga tao hahahahah gusto kong bigyan ng totoong feeding program yung mga malnourish na bata ahhahhaha at gusto kong gamutin ang mga may hydrocele hahahaha
habang nakikinig ako sa lecture ni sir, naisip ko din na hindi talga ako nagkamali sa course na pinili ko.. hindi man ganon kagaganda ang mga grades pero alam kong hindi ako nagkamali sa course na pinili ko. alam kong ang mga itinuturo ngayon saamin ang siyang gusto kong matutunan...
ayaw kong magsalita ng tapos, kasi naiisip ko din na gusto kong magdoctor tapos pagnaging doctor na ako, babalik ako sa public health tutal kahit ano naman ang mangyari public health worker na talga ako ;D hahahah (self proclaimed!)
marami sigurong hindi nakakaalam kung ano ang course ng BS Public Health, siguro yung iba pagnarinig nila yun iisipin na napaka dali ng course namin.. well ayaw ko namang sabihin na mahirap ang course namin pero masasabi ko na halos sakop namin ang lahat ng field hahah kasi ang majors namin includes, Nutrition, Biostatistics, Epidemiology, Parasitology and Microbiology, Environmental Health, Dental health basta lahat ng issues na involve and publiko.. isama mo na din na nag papathology kami at halos nakuha nanamin lahat ng chemistry subjects..
basta, ang Public Health ay hindi medical technology, hindi kami tinuturaan para maging laboratory workers.. tinuturuan kami para maging Public Health workers.. para magakaroon ng magandang health ang mga tao sa community.. our main goal is to prevent.. not to treat.. kaya kung iisipin mo, para rin kaming mga doctor kaya nga lang, hindi individuals ang tinetreat namin, hindi yung mga may sakit ang nagpupunta saamin, pinpuntahan namin ang isang community, ang isang baranggay at doong sinisikap naming mapaganda ang community nila sa aspeto ng kalusugan kung tutuusin pati din sa aspeto ng kabuhayan upang saganoon magkaroon ng isang maganda, malusog at productive na bayan at lipunan
*bow*
i love public health