eto na talaga toh

Sunday, December 24, 2006

this day



from now on


I GIVE UP LOVE.


tama na ang pagaasam ng isang tunay na pagibig. tama na ang apat na lalaking nagpaiyak sayo. tama na ang isang lalaking nagpaktanga ang isang lalaking nagpakabakla at dalawang lalaking duwag. tama na ang pagmamahal. tama na ang paghihintay. ayoko na.


ako si sarah. 16 years old. taga laguna. may maayos na pamilya at maayos na buhay. hindi naman mayaman pero may pera na sapat upang mabili ang lahat ng kagustuhan. chubby pero maganda. matalino. leader nung highschool. salutatorian nung nag graduate at ngayon ay taga UP at magiging doctor.

yan ako. kung aking titingnan halos perfecto ay maayos pero bakit ganon? lintik na pagmamahal. i'm still not good enough for them. pero ako nga ba talaga ang mayproblema? o sila? hindi ko alam...pero ako masasabi ko sa sarili ko na nagmahal ako. at satingin ko alam nila yun.

muli..aking babasahin ang tunay na ako. damn it. i have nothing to lose. kung ayaw nila wala na kong pakialam. magpakasaya sila sa mga buhay nila. basta ko nagmahal ako ng totoo. nakipaglaban ako at oo naging martir ako. pero minsan nakakapagod na rin talaga. sabi ni blink
patience is a virtue. oo tama yun pero minsan nakakasawa din. nakakasawa at nakakapagod. lalo na kung naibigay at nagawa mo na ang lahat.

mula ngayon tatanggapin ko na ang ideyang ang pag-ibig ay isang malaking destruction. destruction sa sarili, sa studies at sa pagabot ng mga pangarap. mula ngayon mamahalin ko na ang sarili ko . mula ngayon no more commitments. no more crushes and no more love.


bitter? siguro nga pero its better this way. lumuha na ko ng maraming beses. tama na.




sometimes its better to be alone in this world. maybe i wont be happy with someone.. maybe i will be happy only with my friends, family and myself.


merry x-mas to all.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home