relfect..???
summer na at mag chem 14 na rin ako sa wakas..
owell delayed ako ng isang subject..so what???
heheheheh
anyway, i'll take this opportunity para na rin makapagreflect ako saaking sarili.
summer na...at natapos na rin ang isang taon ko sa UP...
nakakatuwang balikan ang mga ala ala ng nakaraan ko..
ung mga alaala na humahagulgol ako sa mga magulang ko kasi ayaw ko sa UP..
kasi gusto ko sa UST at takot na takot akong pumasok sa UP...ung mga ala alang sinasbi ko sa sarili ko na pag pumasok ako sa UP para narin akong nagsuicide hahahahha
nakakatawang isipin ang lahat ng yun...pero kung iisipin..talaga namang namatay ako nung pumasok ako sa UP....
namatay ako kasi, maraming nagbago sakin. namatay ang dating Sarah na sobrang inosente at walang ka muwang muwang sa mundo. namatay siya at tila hindi na muling babangon...
pero kapalit naman nun ay ang pagkasilang ng isang bagong Sarah.
isang Sarah na masmatapang at mas may alam sa kalokohan ng mundo.
isang Sarah na kayang makipagsabayan sa lahat ng kagaguhang ibabato ni tadhana.
at isang Sarah na kayang tumayo sa kanyang dalawan paa.
simula ng pumasok ako sa UP, sobrang dami na talagang nagyari, imagine nung pumasok ako sa UP halos araw araw tinatanong ko ang sarili ko kung dapat na ba ako kumuha ng blade at maglaslas ng pulso, imagine ARAW ARAW huh! tapos simula ng pumasok ako sa UP parang nagkaroon na ata ako ng inferiority complex, natapos simula rin nung pumasok ako sa UP feeling ko everyday ako na ang pinaka bobong tao sa buong mundo. haaayy....
hindi lang yun..
simula ng pumasok ako sa UP marami na rin akong nakilalang tao. simula ng nagaral ako dito sa UP kahit halos isang taon pa lang...marami na ring mga taong pumasok at lumabas sa buhay ko. marami naring tao ang nagpaiyak at nagpatawa sakin.
nakakatuwa ring isipin dahil simula ng pumasok ako sa UP sobrang nagbago na ang pananaw ko sa buhay.
dati siguradong sigurado ako sa lahat ng gagawin ko. dati wala ng pagaalinlangan ang mga desisyon ko, pero ng pumasok ako sa UP narealize ko na marami din palang dapat iconsider sa paggawa ng decision, maraming bagay rin ang dapat tingnan at hindi lang dapat ang pangsariling kaligayan ko ang titingnan...
hayy....simula din ng pumasok ako san UP dumami na ang white hair ko....
ohmygosh.
IM AGING!
hay...feeling ko sobrang mature ko na..pero tuwing iisipin ko na 16 years old palang ako feeling ko ang bata-bata ko pa..
owell.
thankful parin ako kay God kasi hindi nya ako pinabayaan.
believe it or not, sobrang dami na talagang nangyari sakin ngayong college..kahit 1 taon palang promise ang dami na talaga... hayyyyy
basta ngayong summer at ngayong magiging sophamore na ko....sigurado na ako sa dapat kong gawin at yun ang magfocus sa pagaaral..
maraming nangyari at sigurado akong marami pang mangyayari in the near future pero siguro dapat ko na talagang iset lang ang priority ko..at yun ay ang pagaaral..
as in yun lang wala nang iba!
batukan nyo ko pagnagka bf ako!
promise!!
btw...meron pala akong gustong idevelop sa buhay ko at yun ay ang respect
as in self respect as in yun
RESPECT.
sige till here. :D

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home