puerto galera + summer vacation = ruined
Puerto Galera
*ruined*
buwisit...
my first and last beach outing this summer which i thought would be the happiest and not boring event of my life become so disastrous..
top ten disaster:
1. unang pagsakay ko sa bangka. leche. gustong gusto kong magsuka... ni hindi ko man lang na-enjoy ang sinasabi nilang napakagandang dagat at simoy ng hangin.. grabe after nun parang ayaw ko na atang sumakay sa bangka kahit kailan!!
2. nung nakasakay ako sa bangka iniisip ko nalang "sarah ok lang yan, maganda naman yung pupuntahan mo eh.. ok lang yan!" but sad to say...when we arrived at the shores of puerto galera "white beach".. I WAS DISAPPOINTED!
3. sobrang daming tao to the point na nagmukha ng market place ang lugar...grabe sobrang disappointed tlaga ko.
4. wala ng bahay na makuha sa tabi ng dagat kaya ayun napunta kami sa isang house na ewan ko ba, mukhang masmaganda pa yung banyo namin sa bahay..grabe nakakaiyak talaga.!
5. sabi namin ni ate..sige kuya ok lang toh, dont worry mag picture picture nalang tayo... edi ayun naman ang kuya ko nilabas niya ang kanyang napakagandang camera and when he was about to take our picture ........ enngggggggggggg
naiwan niya ang memory card. in short display lang ang camera.
huhuhuhuhuhuhuhu
6. i have no memories in that place except for those key chains that i bought for 20 pesos.
henako. buwisit talaga.
7. sabi namin maglakadlakad nalang kami since nawalan na talaga kami ng gana sa pagswimming kasi naman sobrang daming tao nga.... pero nung naglalakad na ako...i can't stop thinking about that stupid boat kaya habang naglalakad ako feeling ko nauga parin yung buong lugar tipong feeling ko nasa bangka pa rin ako...hayyyy kainis talaga...
8. pa feeling ang mga tao sa lugar.. feeling nila nasa boracay sila...ewan ko ba....di ko nga alam kung maiinis ako o matatawa eh... whahahhahaha
9. naloko ata ako nung nagtinda sakin. kainis
10. pagdating nung sunday.....nagmadali na kaming umalis..tipong may gera sa lugar at kailangan nanaming lumayas... hayyyy grabe..
all in all
hindi na ko babalik dun. kahit kailan! promise!

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home