eto na talaga toh

Friday, June 08, 2007

nostalgia


isang green na notebook na may malaking kalahating araw sa harapan; yan ang diary ko simula nung i think 2nd year hanggang 4th year high school

nakakatuwang isipin, kagabi I mean kaninang umaga hindi ako makatulog grabe 2:00 na ng madaling araw parang ayaw pa rin talaga ako patulugin ng kung sino mang isip ng isip sakin hehehe, anyway napagdesisyunan kong manghalungkat ng cabinet at ayun nga natagpuan ko ang aking diary..

sinimulan kong basahin ang bawat pahina, sinimulan kung buklatin isa isa ang bawat nakaraan ko. nakakatawang nakakatakot ang naramdaman ko, bawat pahina parang nag pa-flash back sa utak ko lahat ng nakasaad sa pahina. may ibang nakakatawa at may iba namang nakakaiyak.
may mga ilang pahina na ikinagulat ko. ilang pahina na hindi ko akalaing ako ang nakapagsulat.

habang binabasa ko ang munti kong diary pakiramdam ko ibang Sarah ang nagsulat noon, ibang iba sa kasalukuyang ako. Isang Sarah na puno ng pagmamahal at pag-asa ang nagsulat ng diary na iyon, isang Sarah na may musmos na isip ngunit punong puno ng katapangan, isang Sarah na napaka layo sa kasalukuyang Sarah, napakalayo sa kasalukuyang ako. Dahil ngayon, ang Sarah na nagsusulat sa blog na ito ay isang manhid na Sarah, isang duwag at isang gurang na tumigil sa paniniwala sa pagibig, pagasa at kung ano ano pang kakornihan.

at isa pa, noong binabasa ko ang aking diary, na amaze ako dahil pure english ang 92% ng aking diary at take note archaic words pa ang gamit ko as in THEE, THOU, THY at kung ano ano pa hahahahaha at ang isang pang nabigla ako dahil isang katutak na tula ang nasa diary ko na hindi ko akalaing ako ang nakagawa. kasi kung pagagawin ako ng mga tula ngayon siguro blankong papel lang ang maibibigay ko dahil sa totoo lang feeling ko manhid na talaga ako to the point na hindi na talaga ako makakagawa ng tula dahil wala na akong mai-express na kahit na anong love, sorrow, doubt o kung ano pa man.

o ito isang korning tula sa diary ko, alam ko mali ang tulang ito pero what can i do, bata pa ako nung ginawa ko toh heheheh..xencia kung may maling whatever heheh (walang tatawa! amf!)

0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0

I made a wound in thy heart
A wound that even time could never heal
yet though how deep is thy wound,
somehow, i still find you still standing there

3 long years is thy have said
and yes we have waited for 3 long years
and though every thing in our surrounding have changed
in my heart there's this still one thing that did not changed..

my heart beats only for thee
my mind only thinks of thee
and i know someway or somehow,
my lips are only for thee...

be with me once again
embrace me once again
for i know deep in thy heart
it is still me you'll find there...

0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0
at eto, last excerpt sa aking diary..

"the night is so cold, and the rain keeps pouring harder and harder. it seems the heaven
is angry and yet somehow it seems crying as well. I'm here in the living room because
i feel comfortable here... i love the sound of the rain and the storm itself..."

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home