dekada
isang araw. isang linggo. isang buwan. isang taon. isang dekada
hindi ko na mabilang ang bawat panahong nagdaan, ang bawat araw na nakalipas simula ng maramdaman ko ang tunay na pagmamahal.
nakakahiya man sabihin pero maraming beses akong nagkunwaring nagmamahal. maraming beses akong nagpanggap na minamahal ko ang isang tao at maraming beses din akong nagpanggap na nakakaramdam ng pagmamahal mula sa ibang tao. nakakatuwa at nakakahiyang isipin pero totoong nagkaroon ako ng iba't ibang relasyon sa iba't ibang lalaki sa pamamagitan lamang nang pagpapanggap..
tunay na pagibig; kay tagal na rin simula nung naramdaman ko yun. ang tagal tagal tagal na talaga nun...ang nakakalungkot isipin, simula ng mga nakaraang araw, hindi ko na maalala ang pakiramdam ng pagibig...ni hindi ko na nga maisip kung ano nga ba yung feeling o yung saya, lungkot at kaba ng nagmamahal at ng may nagmamahal..
nakakatuwang isipin... patay na pala ako... hindi ko man lang namamalayan...
hindi ko alam kung sadyang patay na ba talaga ako o nagpapatay patayan lang ako.. hindi ko alam kung sadyang hindi ko na maalala ang pagmamahal o sadyang kinalimutan ko nalang ito dahil sa pait ng naranasan ko dahil dito..
hindi ko alam kung ano ba talaga...pero isang bagay ang sigurado ako at iyon ay iyong nais kong maramdaman ito ulit.. nais kong maramdaman ang bawat saya at bawat kilig ng pagibig.. pero ang masaklap na tanong.. kanino at pano?
sa isip ko..may isang pangalan na bumabagabag... sa isip ko siya pa rin...lintik talaga.
hayy...pero siguro in God's time... in God's time maaayos din ang lahat
in God's time muli akong mabubuhay...

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home