eto na talaga toh

Wednesday, July 19, 2006

accepting things

pagkatapos ng mapoot na pagkabagsak sa math dep exam... maraming pagbabago ang nangyari... may iba na madaling natanggap ang lahat.. marami ang nalungkot at tila gulat na gulat.... may iba naman na nataling tahimik at nagisip ng nagisip ng malalim.... ako...isa ako sa mga taong nanahimik at nag isip ng nagisip ng malalim....oo marami akong naisip at hanggang sa ngayon ay iniisip... marami akong tanong na hanggang ngayon ay hindi pa nasasagot.... sino ba ang may kasalanan.. ako ba o ang math exam an yun??? ito ba ay pagsubok o sadyang tinalikuran na ako ng maykapal?? nakakalungkot isipin..oo nagduda ako... halos mawalan na ako ng tiwala sa aking sarili at sa poong may kapal.... gusto kong umiyak ng umiyak pero ayaw ko rin... sbi ko magiging malakas ako at matatag..pero mahirap talaga....sa buong buhay ko hindi pa ko bumagsak ng ganito sa isang exam.. nakakalungkot talaga....

kaninang madaling araw:

nagpadesisyunan kong kausapin ang diyos..... naisip ko.. marahil masasagot nya ko..... ng sisimulan ko na ang aking pagdadasal.. dumating ang aking ate.. haynako... inaasar nanaman ako.. tila dinedimonyo ako ng ate ko.. pero ganun pa man.. nakapag consentrate din ako..... marami akong naging tanong... marami akong galit na sinabi..... sinabi ko lahat ng aking nararamdaman.. ganon pa man...nanataling magulo ang sitwasyon.... naisip ko.... magiging magulo lang ang sitwasyon kung hindi ko aayusin....

dapat ayusin...

dapat ayusin...

inisip ko...

isa lamang itong pagsubok.. pagsubok sa aking kakayahan at sa aking pagtitiwala sakanya... pagsubok lang ito..at kaya ko toh... inisip ko na kung iisipi .. marahil ako rin ang may kasalanan... hindi ko man alam kung saan ako nagkamali... alam ko may naging pagkukulang ako.......

inisip ko rin.... na hindi lamang dahil sa exam na toh ay masisira na ang buhay ko... talagang dumarating sa buhay ng tao na pakiramdam nya wala shang kuwenta... at marahil ito ang panahon na iyon saakin.....

naisip ko rin.... na pagbubutihan ko nalang sa pangalawang dep exam at sa mga susunod na dep exam.. .naisip ko.. kaya ko toh.. na kaya ko noon... makakaya ko rin ito ngayon.......

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home