eto na talaga toh

Friday, July 14, 2006

the dep exam

i've just finished the most awaited and deadly exam of all

the famous "departmental examination in math 17"

naudlot ng naudlot ang exam namin sa math..pero ngayong araw na toh.. naganap na ang aming pinakahihintay...

ilang oras bago kami mag exam... hinahanda na namin ng mga kaklase ko ang aming sarili sa kung ano mang naghihintay samin sa exam na yun... heheheh ang nakakatuwa dun... everyone was having their own "ritual" eheheheh merong nagmomodel sa oble...hehehe nagbabakasali na bigyan sila ng swerte ni oble.. hehehe meron namang naghahanap ng puting pusa para daanan sila para good luck daw...ehhehehe pero dahil wala shang makitang puting pusa... naghanap nalang sha ng taong nakasoot ng white shirt at pinadaan ito sa harapan nya..ehhehehehe buhay nga naman... hehehe sabi kasi namin.. sa mga desperadong oras na ganito..dapat lahat subukan na... heheheh ganun pa man.. kung nag tataka kayo kung anong ritual ang ginawa ko... ito sasabihin ko na...

1. ilang araw na nagreview ng math
2. kung kanikanino nag paturo...
3. isang araw bago ang exam namin (kahapon) hehehe hindi na ko nag aral....
4. hinanda ang sarili sa kung ano mang mangyayari
5. hinanda ang sarili sa pagbagsak
6. hinanda ang sarili sa pagiyak at pag nose bleed... hehehehe isama mo na din ang pagkahimatay.. heheheheheh
7. binalak akitin ang napaka gwapong math teacher (hehehe sa panaginip lang)... kasi naman napaka gwapo ng teacher namin sa math.. nakakadestruct...
8. tinanggal sa isip ang napaka gwapong teacher... nagfocus dun sa mga hindi kagwapuhang nagturo sakin. hehehehe peace tayo
9. huminga ng malalim..in short..ginamit ang mga paraan para mag tanggal ng stress na itinuro ni sir jake...
10. nag dasal at humingi ng tulong sa may kapal..... (maraming salamat poh...)
11. sinabi ang mga huling habilin.....

others na ginawa...
a. ng may puting pusa na dumaan sa harap ko... hehehehe inisip kong papasa na ko.. sabi kasi ng block mate ko... good luck daw yun ehehhehehe
b. nainggit ang kablock ko... naghanap ng pusang puti..eh walang nakita..kaya naghanap nlang ng taong nakaputi...
c. nainggit ako sa kablock ko..pinadaan ko din yung taong nakaputi sa harap ko...hahahaha

ayan na exam na...

sa gitna ng mga halakhakan namin.. biglang bumukas ang malaking pintuan ng little theater.. patay... eto na ang kalbaryo...

while taking the exam

1. hindi makapag salia.. speechless kung baga
2. tulala..
3. kabang kaba...
4. hindi na makatayo..gusto kong pumunta ng cr kaya lang... yung paa ko ayaw na...
5. tingin ng tingin sa palagid..
6. buwisit na math teacher..sobrang gwapo lalo na pagnangiti..buwisit ang gwapo!! mmhhh

tapos exam na talaga toh...

1. sinulat ang pangalan at mga iba pang detalye..
2. 100 points ang exam.... 60 ang passing
3. kinalkula ang mga sagot... binilang kung makaka 60 na ba.. heheheh oki na yun basta pasado.. ehhehehehehe
4. habang nageexam..walang pakiramdam..walang naiisip kungdi yung math...
5. hindi na rin kinakabahan..ewan namanhid ako bigla....
6. ng nagsalita ang proctor.... patay... kinabahan na ko... 55 minutes nalang (eheheh)
7. mas kinabahan... 5 minutes nalang..
8. wala ng nagawa...pinasa na ang papel
9. nagtilian ang buong klase..... hiyaw ng hiyaw..parang natanggalan kami ng tinik.. hehehe sabay sabi "bukas idadrop ko na tong subject na toh!" ahihihihi
10. nadisappoint.. kasi hindi man lang ako umiyak o naluha..hindi man lang sumakit ang ulo ko at hindi man lang ako nag nose bleed.. weeee
11. masaya na rin kasi kahit papaano may nasagutan ako...
12. nagpasalamat ng marami sa may kapal
13. ginawa ang blog na toh. hehahahahahah

ayun lang wala na kong masabi.. sana talaga makapasa ko.. .kahit 3 lang ang grade ko ok na ko dun.. basta ayaw ko lang talagang madelay... whoo go sarah! kaya mo yan!!!!

---bawi nalang ako sa second dep exam :P

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home