inggit
nung nakaraang biyernas, birthday ng dad ko kaya ayun hindi sha pumasok sa work nya.. kaya ako ay nagcommute papunta sa school.. pag baba ko sa bus, at nung patawid na ko meron akong nakasabay na babae, naka white sha at naka orange na bag... hula ko taga u.P. din sha at hindi naman talaga ako nag kamali..sabay kaming pumasok sa u.p. campus ngunit naghiwalay kami ng pumunta ako sa auditorium para mag c.R...makaraan ang ilang minuto, lumbas na ako sa auditorium at naglakad na ako patungo sa SSWC kung saan magaganap ang aking pE class, ng ako ay naglalakad na, nakuha ang atensyon ko ng dalawang babaeng nakaupo sa stage at mataimtim na nagdadasal ang isang babae dun ay yung girl na nakasabay ko..... hindi ko sila tinitigan ngunit nakita ko sila, ang kanilang mga mata ay nakapikit at makikita mo saknilang mukha na sila ay nagdarasal ng buong puso at kaluluwa...malakas ang boses nila ngunit hindi sila maingay, ang kanilang pagdarasal ay sumsang ayon sa ihip ng mga puno at hangin...hindi man ako kasama saknilang panalangin ngunit nadama ko ang kaginwanahan ng loob...
pag dating ko sa sswc...tila nakarama ako ng inggit saknila...ang babae ay nakaputi na, ibig sabihin mga third year na sha or fourth year, nakatagal sha UP.... naisip ko...kailan nga ba ako huling nagdasal ng mataimtim..yung dasal talaga ng buong puso at kaluluwa....natawa ako.. matagal na panahon na din yun.... naisip ko, siguro kaya ako naghihirap ngayon dahil hindi man lang ako humingi ng tulong sa may kapal or kung himingi man ako ng tulong, hindi ako nagpasalamt saknya.... naiingit talaga ako dun sa babae... gusto ko din maging ganon... naisip ko... siguro God put me into uP not only because i deserve it or something but because God wants me to learn something... and i think it is
even how smart you are or how rich your are, you are still nothing without God.....
Seek Ye first the
Kingdom of God
and His righteousness
and all this things
shall be added unto you...
Seek Ye first the
Kingdom of God
and His righteousness
and all this things
shall be added unto you...

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home